CHAPTER ONE: Ang buhay ni Richard at Sunshine
10 years...
10 years ko nang crush si Richard Ramirez. Ang nag-iisang Richard Ramirez. Siya ang pinakasikat na hearthrob sa telebisyon sa buong bansa. Sino ba naman ang hindi maakit sa maamo nyang mukha, tisoy, may dimples, mabait, gentleman, mapagmahal sa pamilya mahilig pang tumulong sa kapwa. Nasa kanya na yata lahat ng katangian ng isang lalaki na gusto ko.
"Hoy! Anak. Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman si Richard ano? Hay naku anak. Palala ng palala na yan ah." ani ni papa sa akin habang inaayos ang electric fan naming sira.
"Papa naman! Alam mo naman na sha lang yung nagpapakilig sa akin."
"Haynako anak. Kaya ka hindi nagkakaboypren eh. Lahat ng manliligaw mo ay inaayawan mo. Yang si Chris? Naku ... naku... naku naku naku. Hanggang sa pangarap mo nalang yan. Ang layo kaya ng agwat nyo sa buhay nak. Artista siya. Ikaw, ordinaryong tao lang. Nasa maynila sha, ikaw nasa probinsya sa Bisayas. Paano kayo magtatagpo niyan?Malabo na maging kayo nak. "
"Alam mo pa, dami mong sinasabi. Malay natin, one day ma memeet ko si Richard. Mabibigla nalang kayo at dinala ko sha dito. Tapos mamemeet nyo sha."
"Naku nak. Malabo yan. Anlaki ng Pilipinas. Archipelago pa. Imposibleng magkukrus ang landas nyong dalawa."
"Alam mo pa, ANG NEGA MO! Pag ako mamemeet ko si Richard, tingnan nalang naton. Andami nyong sinasabi. Yung tv nalang kaya natin ang unang ayusin mo. Pano na yan? Di na ako makakapanood ng Limelight (TV show ni Richard) nyan? Edi di ko na mapapanood si Richard nyan. Di yun pwede tay."
"Hala. Hala sige. Oh sha. YES KAMAHALAN. Aalis na't kukuning ko ang TV."
😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊
Ako nga pala si Sunshine Garcia nakatira sa Bohol. Simpleng babae lang ako. Panganay sa dalawang anak nina Papa Boyet at Mama Connie. Bunso namin si Rico Simple lang yung buhay namin. Si papa ko architect at si mama naman ay isang retired teacher. Ako yung bread winner ng family. Nagtatrabaho ako bilang isang DJ sa isang sikat na radio station sa lugar namin na same network na pinagtatrabahuan ni Richard.
Richard Joaquin Ramirez Jr. Tawag ng pamilya nya at sa mga malalapit sa kanya, RJ. Pangalawa si Richard sa tatlong magkakapatid. Anak sha ni Daddy Bae Richard Joaquin Ramirez Sr. at Tita Rosario Ramirez. Nung 17 yeas old si Richard nang nawala yung mama nya dahil sa breast cancer. Para matulungan niya sa paggastos sa utang nila sa ospital, at para matupad rin ng pangarap ng mama nya na maging artista sha, kaya nung 18 na sha ay pinasok nya ang industriya ng pag-aartista.
Matagal na akong tagahanga ni Richard. Simula nung una shang lumabas bilang Joaquin sa "Forever's Not Enough" hanggang sa ngayon ay crush na crush ko siya. Lalo na nung nakatambal nya si Marie De Leon sa "Sana Maulit Muli". Simula nun, naging phenomenal loveteam sila. Mas lalong sumikat si Richard at umusbong naman ang career ni Marie bilang bago pa sha sa industriya. Pero after 3 years nag split sila as love team dahil mas pinili ni Marie si Anton Laxamana (artista sa kabilang network) na maging boyfriend.
Yes. Nanligaw si Richard kay Marie. Pero mas pinili ni Marie si Anton. Mahal nya si Richard pero natatakot si Marie na baka mawala yung pagkakaibigan nila, na baka sakaling di mag work ang relationship nila. Tapos nag-aalinlangan din sha sa feelings nya para kay Richard kung totoo ba talagang mahal nya ang tao o dahil lang loveteam sila. Kaya nag decide si Marie na si Anton ang sasagutin nya.
Naawa nga ako kay Richard eh. Pagkatapos nun, ang dating masiglang Richard ay nawala na. Tumatawa sha sa Camera pero alam mo talaga na may lungkot sa kanyang mga mata. Kahit isang taon na ang nakalipas simula nung split nila Marie, napapansin pa rin ng lahat na malungkot si Richard. Parang di nya kasi matanggap ang nangyari. Kasi aside from hindi sha pinili ni Marie, nag split din sila as a love team. Sa noontime show nga na kasama sila eh inadjust yung schedule nila para hindi sila magkakasama.
"Haynako Richard. Kung ako lang pipiliin mo, gagawin ko lahat para lang maging masaya ka sa piling ko. Pupunuin ko ng pagmamahal yang puso mo. Ibabalik ko ang sigla at saya sa mga mata mo na kasamang itinangay ni Marie nung umalis sha. Paliligayahin kita." Sabi ko sa life size picture ni Richard sa isang pawnshop na inendorse nya.
RIIIIIIING. **Beshywapp Calling..*
Me: Oh Diane, hello.
Diane: Huyyy Sunshine, asan ka na baaa? Kanina pa kita inaantay dito sa office. Magme meeting tayo. Papunta na dito si Boss. Daliiii.
Me: Opo, malapit napo ako.
*****************
NAKARATING NA AKO SA RADIO STATION.
Me: Besh, anong meron? Bat may pa meeting??
D: asan ka ba galing besh? Haynako, pag uusapan natin ngayon ang plans natin para sa annual summer fest ng estasyon.
Me: ano na naman kaya ang plano ni Sir Mart ngayong taon noh?
D: Ayan naaah! Ayan na si Sir Mart! Anlaki ng ngiti ni sir. Ano kaya ang gagawin natin?
Sir Mart: okay everyone listen up. Sa darating na linggo ay mayroon tayong Annual Summer Fest. Ang venue natin ay sa Hannah Beach Resort sa Panglao at ang tema natin ay parang Survivor Philippines. So may anim na station tayo at sa bawat station ay may mga envelopes na magsisilbing clue nyo sa inyong mga gagawin. Ang syang unang makakatapos sa anim na station ay magkakaroon ng gift certificate na naglalaman ng 5 days stay sa hotel ng Hannah at tour sa mga undiscovered tourist destination sa probinsya. So mag lilibot ka sa buong probinsya pero, kailangan mong i-vlog yung mga destination na pinupuntahan mo. All expense paid. Basta lang i-popromote din yung resort sa vlog nyo.
D: ahy. Sosyal. Naku beshie gusto kong manalo. Ang mahal kaya ng Hannah. Exclusive din yung resort. Last month nga dun nag check in sina James Reyes at Nadine Lopez.
Me: Talaga?? Naku. Sana manalo din ako noh?? Goodluck sa atin Beshieeee.
-End of Chapter 1-
Comments
Post a Comment